
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano
What’s on TV
Lexi Gonzales at ibang ‘Cruz vs. Cruz’ cast, proud sa co-star na si Caprice Cayetano
“We’re actually really proud of her. Ako expected ko na she would be super lovable,” ani ng Sparkle actress na si Lexi Gonzales sa ‘Cruz vs. Cruz’ co-star at ‘Pinoy Big Brother’ housemate na si Caprice Cayetano.
Labis ang suporta nina Sparkle star Lexi Gonzales at Cruz vs. Cruz cast sa kanilang co-actor na si Caprice Cayetano, na kasalukuyang nasa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Isa ang Sparkle star na si Caprice Cayetano sa Kapuso housemates ng nasabing reality TV show.
Naging bahagi rin ang teen actress sa hit family drama na Cruz vs. Cruz kung saan gumanap siya bilang Jessica.
Sa “Chika Minute” report ni Athena Imperial para sa 24 Oras, ibinahagi ni Lexi na proud siya at ang kanyang co-stars sa pagpasok ni Caprice sa iconic na Bahay Ni Kuya.
“We’re actually really proud of her. Ako expected ko na she would be super lovable,” aniya.
Ipinakilala si Caprice sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 bilang ang Demure Daughter ng Quezon City.
Bukod dito, napasabak si Lexi sa mga matitinding eksena para sa upcoming episode ng Magpakailanman na pinamagatang “My Mother, My Abuser.”
Ayon sa aktres, nang dahil sa matitinding eksena ay hindi naiwasan na masaktan siya ng co-star na si Maricar De Mesa, na gumanap bilang abusive mother niya sa kuwento.
“’Yung emotions nagpo-flow na lang e. So ‘pag sampal, sampal talaga, ‘pag kaladkad, kaladkad. But thankful pa rin ako kay Ms. Maricar kasi somehow sinusuportahan niya pa rin ako kahit pabagsak na ako,” pagbabahagi niya.
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video sa ibaba.
News
Siyam na Taon Nagwakas: Annulment nina Toni Gonzaga at Paul Soriano, Aprubado na ng Korte! Isyu ng Love Child at Pagtataksil, Binasag ang Pangarap ng Pamilya
Sa isang balita na nagpabigla at nagpaluha sa milyun-milyong Pilipino, pormal nang winakasan ng Korte ang halos isang dekadang pagsasama…
‘Kami-Kami Lang Talaga’: Rochelle Pangilinan Reveals Sexbomb Members Self-Funded Reunion Concert After Producer Rejection, Leading to Historic Sellout
Ang matagumpay na pagbabalik ng Sexbomb Girls sa entablado ng konsiyerto ay isang kultural na penomeno na nangibabaw sa social…
‘Walang Awa Grabe!’: Lumalalim ang Trahedya sa Pinansyal Nang Umano’y Inubos ni Lakam, Kapatid ni Kim Chiu, ang Ipon sa Bangko ni Daddy William
Ang salaysay ng kahirapan sa pananalapi at pagtataksil sa pamilya sa loob ng angkan ng Chiu, na nakasentro sa umano’y…
Kimpau Rumors Uminit: Kim Chiu at Paulo Avelino, Tinutukan ang “3 Years Na” Moment sa ABS-CBN Christmas Special
Nagkakagulo ang social media matapos kumalat ang usap-usapang “3 years na” raw sina Kim Chiu at Paulo Avelino—isang pahayag na…
Confirmed! Sikat na Aktres, Balik-Kapamilya sa Bagong Serye Matapos ang Matagal na Pagliban
Kumpirmado na ang matagal nang hinihintay ng maraming manonood: isang kilalang aktres ang muling magbabalik sa Kapamilya network para sa…
Surprising Truth? Jinkee Pacquiao’s Assistant Rebuts Rumors That Eman Was Abandoned by Manny Since Childhood
(From left) Jinkee Pacquiao, Manny Pacquiao, and Eman Bacosa Pacquiao. Images: Instagram/@jinkeepacquiao, @emanbacosapacquiao A personal assistant of Jinkee Pacquiao defended her and…
End of content
No more pages to load






