Si Rico ay nasa tugatog ng tagumpay. Ngabing iyon ang kanyang grand inauguration bilang bagong CEO ng Vista Prime Corp. Matagal niyang hinintay ito.

Para makumpleto ang kanyang “tagumpay,” naisipan niyang imbitahan ang kanyang ex-wife na si Carla.

Iniwan niya si Carla limang taon na ang nakakaraan dahil “walang asenso” daw ito. Habang umaangat si Rico, naiiwan daw si Carla sa pagiging housewife.

Tinawagan niya si Carla noong nakaraang linggo.

“Carla, hiring kami ng cleaners para sa event ko. Sayang naman, baka kailangan mo ng pera. Punta ka ha? Ipapasok kita.”

Pumayag si Carla.

Sa gabi ng party, nagniningning ang ballroom. Ang mga bisita ay naka-tuxedo at gown, umiinom ng mamahaling wine.

Sa gilid, nakasuot ng kulay abong uniporme ng Janitress si Carla. May hawak siyang walis at dustpan. Walang makeup, nakatali ang buhok, at nakayuko.

Lumapit si Rico kasama ang bago niyang girlfriend na modelo.

“Carla!” bati ni Rico nang malakas para marinig ng mga empleyado. “Buti naman dumating ka. Bagay na bagay sa’yo ang uniporme mo ah. Dyan ka talaga nababagay—sa paglilinis ng kalat ng mga taong matatagumpay.”

Nagtawanan ang mga sipsip na empleyado.

“Salamat sa trabaho, Rico,” mahinahong sagot ni Carla, hindi tumitingin sa mata nito.

“Walang anuman,” ngisi ni Rico. “Oops!”

Sinadya ni Rico na itapon ang hawak niyang Red Wine sa sahig, malapit sa sapatos ni Carla.

“Natapon ko,” sabi ni Rico nang may pang-iinsulto. “Linisin mo ‘yan. Siguraduhin mong kikinang ang sahig bago umakyat ang Chairman sa stage. Ayokong madumihan ang sapatos ko mamaya pag-akyat ko bilang CEO.”

Lumuhod si Carla at pinunasan ang sahig.

“Good dog,” bulong ni Rico sabay tawa.

Maya-maya, namatay ang ilaw at nag-spotlight sa entablado.

Lumabas ang Chairman ng kumpanya, si Mr. Tanaka, isang Japanese billionaire.

“Good evening everyone,” bati ni Mr. Tanaka. “Tonight is a special night. We are appointing a new CEO, Mr. Rico Santos.”

Nagpalakpakan ang lahat. Tumayo si Rico, inaayos ang coat niya, handa nang umakyat.

“However,” patuloy ni Mr. Tanaka. “Before Rico comes up, I have a bigger announcement. Vista Prime Corp has been acquired by a new Majority Shareholder. Binili niya ang 60% ng kumpanya kahapon. Ibig sabihin, siya na ang bagong may-ari at ang may final say sa lahat ng desisyon.”

Natigilan si Rico. May bagong may-ari? Sino?

“Please welcome,” sigaw ni Mr. Tanaka. “Our new Chairman of the Board… Ms. Carla De Guzman!”

Namutla si Rico. Carla? Kapangalan ng ex ko?

Lumingon ang lahat sa entrance ng VIP area, pero walang lumabas.

“Ms. Carla?” tawag ulit ni Mr. Tanaka. “Please come up stage.”

Sa gitna ng crowd, may gumalaw.

Ang janitress.

Naglakad si Carla papunta sa stage. Bitbit pa rin niya ang walis tambo.

“Hoy Carla! Saan ka pupunta?!” sigaw ni Rico, hinawakan ang braso ng ex-wife. “Huwag kang umakyat dyan! Para sa may-ari ‘yan! Janitress ka lang!”

Tinabig ni Carla ang kamay ni Rico. Tinitigan niya ito sa mata—wala na ang takot, puro kapangyarihan na lang.

“Bitawan mo ako, empleyado,” malamig na sabi ni Carla.

Umakyat si Carla sa stage. Sinalubong siya ni Mr. Tanaka at yumuko ito bilang paggalang.

“Madam Carla,” bati ni Mr. Tanaka.

Humarap si Carla sa mikropono. Ang buong ballroom ay tahimik na tahimik. Si Rico ay nakanganga, nanginginig ang tuhod, at putlang-putla.

“Good evening,” bati ni Carla. “Nagataka kayo kung bakit hawak ko itong walis?”

Tinaas niya ang walis.

“Inimbitahan ako ng incoming CEO niyo na si Rico para maglinis daw ng kalat niya. Tinanggap ko, dahil gusto kong makita kung nagbago na ba ang ugali niya.”

Tumingin si Carla kay Rico na ngayon ay parang hihimatayin na.

“Rico, noong iniwan mo ako, akala mo wala akong mararating. Ginamit ko ang sakit na ‘yun para magsumikap. Nagtayo ako ng sarili kong negosyo. Lumago ito. At nang malaman kong ibinebenta ni Mr. Tanaka ang shares niya, binili ko agad. Para saan? Para linisin ang kumpanyang ito.”

Bumaba si Carla sa stage at lumapit kay Rico.

Inabot niya ang walis kay Rico.

“Rico,” utos ni Carla. “Hawakan mo ‘to.”

Nanginginig na kinuha ni Rico ang walis. Kusa siyang napaluhod sa harap ni Carla dahil sa sobrang shock at takot.

“Carla… honey… sorry…” bulong ni Rico, umiiyak. “Hindi ko alam…”

“Ang CEO, dapat marunong rumespeto sa pinakamababang empleyado,” sabi ni Carla nang malakas. “Dahil bagsak ka sa ugali… You are FIRED.

“No! Please Carla! Pinaghirapan ko ‘to!”

“At dahil hawak mo na rin lang ang walis,” dugtong ni Carla habang tumatalikod. “Ikaw na ang magtuloy ng paglilinis ng wine na tinapon mo kanina. You can start now.”

Naglakad palabas si Carla kasama si Mr. Tanaka at ang mga executives.

Naiwan si Rico na nakaluhod sa gitna ng ballroom, hawak ang walis, habang pinagtitinginan ng mga taong kanina ay pumapalakpak sa kanya. Ang gabing dapat ay korasyon niya ay naging gabi ng kanyang pagbagsak, sa kamay ng babaeng inakala niyang “basura” lang.