Elisse kinalampag dahil sa hiwalayan nina Aljur, Kylie

Elisse Joson, kinalampag at binabash sa TikTok dahil sa hiwalayan nina Aljur at Kylie Padilla.

Pinuputakti ngayon ng mga basher ang TikTok account ni Elisse Joson.

Mukhang sa socmed ni Elisse nagpuntahan ang mga netizen dahil siya ang pinagbibintangan ng mga memang tambay sa online world na naging third party diumano sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Mukhang nag-one plus one na naman kasi ang mga intrigerang cyber citizen.

Nag-ugat ang hinala ng mga basher ni Elisse nang aminin ni AJ Raval sa recent interview niya na hindi siya ang naging dahilan sa hiwalayan ng mag-asawa.

Tsika kasi ni AJ sa nasabing interview, matagal na raw hiwalay sina Aljur at Kylie nang ligawan siya ng aktor. Wala namang binanggit na pangalan pero iisa ang hinala ng mga memang netizen, si Elisse nga raw.

Samantala, habang sinusulat ito ay nakabukas pa rin ang comment section ng TikTok ni Elisse at mababasa pa rin doon ang mga hindi kaaya-ayang komento about her at ang mga panunumbat ng bashers sa aktres.

Baka nababasa naman ito ni Elisse, pero mukhang dedma ang magandang aktres sa bashers.

Mababasa rin dito ang pakikisimpatiya ng mga commenter kay AJ dahil napagbintangan daw ito ng mga tao sa kasalanan na hindi naman niya ginawa.

Nakakaloka lang talaga ang mga ganitong komento at pinaratangan agad si Elisse.

Marami naman sa mga taga-showbiz ang nagsabing mauunawaan nila kung ili-limit ni Elisse ang mga puwedeng makapagkomento sa kanyang TikTok account. (Ogie Rodriguez)