Dalawang dating Miss Universe titleholder ang muling sasabak sa entablado ng prestihiyosong Miss Universe pageant ngayong 2025 — sina Dayanara Torres at R’Bonney Gabriel!

Inanunsiyo ng Miss Universe Organization sa social media nitong November 8 ang kanilang paglahok bilang mga commentary host ng 74th Miss Universe competition.

“Say hello to our Miss Universe Commentary Hosts! They’ll be your voices through the show ! Sharing the best reactions, stories, and unforgettable moments live from the 74th Miss Universe Competition,” saad sa kanilang Instagram post.

Si Dayanara, ang Miss Universe 1993 mula Puerto Rico, ay minahal ng mga Pilipino matapos siyang manirahan at magtrabaho sa bansa bilang aktres at TV host.

Samantala, si R’Bonney, ang Miss Universe 2022 na may dugong Pilipino, ay madalas ipagmalaki ang kanyang Filipino heritage.

Gaganapin ang grand coronation night ng 74th edition ng most prestigious beauty competition sa sa Bangkok, Thailand. (IS)