Ashley Ortega and Shuvee Etrata in fashion show

Besties Ashley Ortega at Shuvee Etrata slay the runway!

Best friend goals ang PBB Celebrity Collab ex-housemates at Kapuso actresses, Ashley Ortega at Shuvee Etrata sa kanilang pagrampa sa isang fashion event kamakailan.

Isang celebration of Filipino fashion artistry ang naganap sa Okada Manila matapos maganap ang ‘Timeless’, isang premier showcase for weddings, debuts, tinghun (Chinese pre-wedding ceremony), and anniversaries na naganap noong Biyernes, November 07, 2025.

Sa temang ‘Where Memories Become Forever’, pinatunayan ng fashion event na ito ang galing at dekalibreng talento ng iba’t ibang mga Filipino pagdating sa fashion industry.

Glamorous at fashion goals naman ang ipinakita ng mag-best friend at PBB Celebrity Collab ex-housemates na sina Ashley Ortega at Shuvee Etrata, matapos rumampa ng dalawa suot ang Filipino-designer gowns na tampok sa fashion event.

Suot ni Ashley ang isang soft pink, floral, and crystal-embellished gown mula sa koleksyon ng sikat na fashion designer na si Vee Tan.

Ibinahagi naman sa isang Instagram post mula sa kapwa Sparkle artist ni Ashley na si Janeena Chan ang ‘post show’ shoot kasama ang aktres at isa pang Kapuso actress, Rere Madrid.

Isang dark plum or purple, floral, and puno naman ng metallic embellishments ang ball gown na suot ni Shuvee Etrata; mula naman ito sa koleksyon ng mga gawa ng isa pang sikat na Filipino designer na si Rian Fernandez.

Ipinakita rin ni Shuvee sa kanyang Instagram post ang photos niya sa gabi ng fashion event. Kasama niya ang kanyang parents, pati na rin ang kanyang suitor na si Anthony Constantino. Ibinahagi rin ni Shuvee ang ilang mga larawan kasama ang ibang artists katulad nina Vivoree Esclito at Gazini Ganados.

Ang ‘Timeless’ fashion show ay naging isang platform para sa mga Kapuso artist na sina Ashley at Shuvee upang ipakita ang kanilang glamour at influence, na nagpapatunay na kaya nilang makipagsabayan sa world-class na entablado ng fashion.